Binabatikos ngayon ang isang zoo sa Guangzhou matapos lumabas ang video ng isang nakapakapayat na buwaya na inaalagaan sa nasabing zoo.

Literal na napakapayat ang buwaya na makikita ang spine at kayang bilangin ang mga tadyang nito.

Ang tao na kumuha ng video ng nasabing buwaya ay nagpahayag ng kanyang concern sa hayop at marami ang nag-aakusa sa may-ari ng zoo ng animal cruelty dahil sa hindi ito pinapakain o hindi ito pinapansin.

Bilang tugon, sinabi ng zoo na hindi kailanman namaltrato ang buwaya at ang itsura nito ay dahil sa gastroenteritis.

Ito ay dahil sa bacteria o virus, kung saan ang kundisyon ay may kasamang pagsusuka at diarreha syptoms kaya nabawasan ng husto ang kanyang timbang.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay ginagamot ang buwaya at bibigyan ito ng sapat at magandang pangangalaga.