
Tinatayang aabot sa humigit-kumulang ₱300,000 ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng sunog Campos St., Caritan Sur Tuguegarao City nitong Biyernes, January 16, 2026.
Ayon kay FCINSP Jamille Mae Baloran, City Fire Marshal ng BFP Tuguegarao City, serviceable pa ang sasakyang sinasbaing nadamay sa insidente at ligtas na nailabas mula sa lugar ang isang motorsiklo.
Kaugnay nito, patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang totong sanhi ng sunog.
Sinabi ni Baloran na patuloy ang pangangalap ng mga ebidensya mula sa pinangyarihan ng insidente na ipapadala sa national office ng ahensya upang matukoy kung sinadya ito, alinsunod sa pahayag at hinala ng may-ari ng bahay na pinagsimulan ng sunog.
Inaasahan na lalabas ang resulta ng imbestigasyon makalipas ang 45 araw.









