Matagumpay ang isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa isang high value individual (HVI) sa lungsod ng Tuguegarao kahapon, January 4, 2026.

Sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakuha sa suspek na kinilalang si alyas “Badong” ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 65 grams na nagkakahalaga ng P442,000.

Ayon sa pulisya, ito na ang ikalawang beses na nasangkot sa iligal na droga ang suspek.

Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Mardito Angoluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang pagkakaaresto sa suspek ay patunay ng patuloy at masigasig na kampanya ng Cagayano Cops laban sa ilegal na droga.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --