
Isinulong ni Nueva Vizcaya Representative Timothy Joseph “Tim” Cayton, ang House Bill No. 9331 na naglalayong dagdagan ang suportang pinansyal para sa mga kawani ng gobyerno sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Sa ilalim ng panukala, target na amyendahan ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) at itaas ito sa ₱9,000 kada buwan mula sa kasalukuyang ₱2,000.
Saklaw ng panukala ang mga regular, casual, contractual, appointive, at elective government employees na nasa ilalim ng Compensation and Position Classification Act.
Ayon kay Cayton, dapat mapalakas ang suporta para sa mga guro, nurse, pulis, sundalo, kawani ng mga lokal na pamahalaan, at iba pang lingkod-bayan na patuloy na nagseserbisyo sa kabila ng tumataas na gastusin sa araw-araw.




