
TINGNAN | Personal na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, nitong Martes, para sa ikaapat na status conference kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap niya.
Unang humarap si Duterte sa ICC sa pamamagitan ng virtual hearing noong Marso 14, 2025, para sa kaniyang paunang pagharap sa korte. Kalaunan, personal siyang dumalo sa kaniyang unang pagdinig noong Setyembre 16.
Bahagi ng paghahanda para sa paglilitis kay Duterte, na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30, ang ikaapat na status conference sa harap ng Trial Chamber III.
Inaasahang tatalakayin sa kumperensiya ang mga testigo at ebidensiyang ihaharap ng prosekusyon, ang pagsisiwalat ng mga impormasyon sa panig ng depensa, at iba pang usaping kailangang ayusin bago ang paglilitis.










