Nagsagawa ang DILG R02, ng kauna-unahang Continuing Professional Development (CPD) accredited workshop para sa mga inhinyerong sibil mula sa mga piling lokal na pamahalaan (LGUs) at teknikal na tauhan mula sa Panrehyon at Panlalawigang Yunit ng Pamamahala sa Pagpapaunlad ng Proyekto (PDMU) kamakailan.
Dumalo ang labintatlong LGUs mula sa Lalawigan ng Cagayan, pito mula sa Lalawigan ng Isabela, at isa mula sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya sa workshop na may temang Training Workshop on Quality Assurance and Quality Control (QAQC) for Roads”.
Layunin ng workshop na bigyan ng komprehensibong pag-unawa ang mga inhinyero ng munisipyo at DILG sa mga prinsipyo ng quality assurance at quality control sa mga proyekto sa konstruksyon; paunlarin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa sampling, testing, inspection, at decision-making na may kaugnayan sa quality control at assurance; naglalayon din ito na maipakita sa mga dumalo kung paano panatilihin ang mga pamantayan ng kalidad, bawasan ang mga panganib, at tiyakin ang kalidad at integridad ng mga materyales at proseso sa konstruksyon, at; magbigay ng praktikal na mga kasangkapan at estratehiya para sa epektibong pagpapatupad ng quality control at assurance.
Ang CPD-accredited na aktibidad na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagpapahusay ng propesyonal na pag-unlad ng mga inhinyero sa lokal na pamahalaan at sa pagpapabuti ng kalidad ng mga proyekto sa imprastruktura sa rehiyon.