
Nakaalerto na ang mga unit ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagsisimula ng impeachment court proceedings sa Senado.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakahanda ang kapulisan sa posibleng kilos-protesta at iba pang aktibidad kaugnay ng usapin.
Layunin umano ng PNP na matiyak na mananatiling mapayapa at maayos ang mga pagtitipon ng ibaāt ibang grupo mula sa magkabilang panig ng politika.
Pinaigting na rin ang deployment ng mga pulis sa paligid ng Senado at iba pang itinuturing na convergence points sa buong bansa.
Nauna nang kinumpirma ng Senado na magtitipon ang kapulungan bilang impeachment court alinsunod sa umiiral na mga tuntunin at pamamaraan.
Nanawagan naman si Nartatez sa mga planong magsagawa ng rally na panatilihing mapayapa at maayos ang kanilang mga aktibidad.
Giit niya, hindi dapat tingnan bilang kaaway ang kapulisan dahil ang kanilang presensya ay para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.









