Pinaigting ng Philippine National Police o PNP ang presensya at pagpapatrolya ng mga pulis sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko ngayong nagsisimula na ang “ber” months.

Inatasan ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga police unit sa buong bansa na maging mas alerto at tiyaking ligtas ang mga komunidad, lalo na habang papalapit ang holiday season.

Layunin ng hakbang na maiwasan ang krimen bago pa ito mangyari at mapanatili ang kaayusan sa mga pampublikong lugar.

Kabilang sa mga binabantayang krimen ang pagnanakaw at iba pang insidente na maaaring dumami dahil sa mas maraming taong namimili at bumibiyahe.

Pinayuhan naman ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag, lalo na laban sa mga scam at iba pang modus, at agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

-- ADVERTISEMENT --