Dead on arrival sa pagamutan ang isang grade 11 student habang sugatan ang isa pang kasama nito nang tumilapon sa sinasakyan nilang motorsiklo sa Provincial Road ng Brgy. Calapangan Sur, Lasam, Cagayan.

Kinilala ni PLT Arnold Taguba ng PNP-Lasam ang mga biktima na si Rexon Sacramento, 17 anyos, driver ng motorsiklo at residente ng Brgy. IBJ, Lasam at si Jericho Reymundo, 17 anyos, residente ng Brgy. Tagao Lasam at kapwa grade 11 student na angkas naman ng motorsiklo.

Lumalabas sa imbestigasyon na binabaybay ng dalawa ang silangang direksyon patungong Brgy. Tagao ngunit nang makarating sa pakurbadang kalsada sa Brgy. Calapangan Sur ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Sacramento dahilan upang tumilapon ang mga ito sa palayan.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang driver ng motorsiklo habang idineklarang dead on arrival naman si Reymundo ng umasikasong doctor.

Sa ngayon ay wala pang pag uusap ang pamilya ng dalawang panig.

-- ADVERTISEMENT --