TUGUEGARAO CITY-Dead-on Arrival ang isang estudyante habang sugatan ang tatlong kasamahan nito matapos masangkot sa vehicular accident sa bayan ng Gattaran nitong araw ng Biyernes.

Ayon kay Police Major Norly Gamal, Chief of Police ng PNP-Gattaran, sabay na binabaybay ng apat na biktima na sina Glenson Banderlipe ,15-anyos , John Carlo Sacobo, 16-anyos kapwa residente ng Brgy Agani, Alcala , Franco Varila , 15-anyos ng Brgy. Pussian at Roderick Duca ,16-anyos ng Brgy. San Esteban pawang mga Grade 10 students, ang bayan ng Gattaran pauwi sa Alcala lulan ang dalawang motorsiklo.

Pagdating sa bahagi ng Brgy Guising, Gattaran , hindi napansin ng dalawang drivers na sina Banderlipe at Duca ang papalikong dump truck na minaneho ni John Sales, 39-anyos ng Brgy Guising na dahilan ng pagkabangga.

Nagtamo ng malubhang sugat si Banderlipe na dahilan ng kanyang agarang kamatayan habang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlong kasamahan.

Sinabi ni Gamal na walang suot na helmet ang apat na biktima nang mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na pauwi na sana si Sales sa kanilang tahanan kung kaya’t nagsignal light ito para mag u-turn sa tapat ng kanilang bahay nang magyari ang pagbangga.

Sa ngayon, hawak na ng kapulisan si Sales at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, serious physical injuries and damage to property.