TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang lalaki habang sugatan ang limang kasamahan nito kabilang ang anim na taong bata matapos masangkot sa vehicular accident sa bayan ng Sta teresita, cagayan.

Ayon kay PSSGT Allan James Recolizado ng PNP-Sta teresita, kasalukuyang binabaybay ng unang limang biktima ang kahabaan ng Brgy Simpatuyo lulan ng kanilang kulong-kulong nang mabangga ang motorsiklo na nasa kanilang harapan.

Hindi umano napansin ng driver ng kulong-kulong na si Jimmy Bumidang, 23-anyos ang motorsiklo na minamaneho naman ni Jay-r Silos, 29-anyos lulan si Rodrigo Crisostomo.

Dahil dito, tumilapon sa kabilang linya ng kalsada ang isa sa mga angkas ng kulong-kulong na si Reynaldo Pudiquet habang sugatan ang apat na angkas nito.

Nang tumilapon sa kabilang linya si Pudiquet, nataon naman na may napadaan na hindi pa matukoy na sasakyan kung kayat siya ay nagulungan na sanhin ng kanyang kamatayan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukang dalhin sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival habang galos naman ang tinamong sugat ng iba pang sangkot sa aksidente.

Nabatid na magtutungo sana ang mga biktima sa bayan ng Buguey para sa pagpupulong nilang Iglesia ni Cristo nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng kapulisan ang may ari ng sasakyan na nakasagasa sa biktima para mapanagot sa batas.