Isa katao ang nasawi dahil sa outbreak ng Guillain-Barre syndrome (GBS) sa Maharashtra state sa India.

Ang GBS ay isang neurological disease na nagdudulot ng pamamanhid, panghihina at pananakit ng katawan.

Ayon sa health officials nitong Lunes, Enero 28, tumataas ang kaso nito sa nasabing estado.

Mayroong kabuuang 101 kaso ng GBS ang iniulat na karamihan ay nasa Pune City.

Galing sa Solapur City ang iniulat na nasawi, habang mayroong 16 pasyente ang naka-ventilator.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpadala na ng seven-member team ang pamahalaan para suriin ang sitwasyon sa Pune kasunod ng outbreak.

Sa naturang kondisyon ng GBS, inaatake ng immune system ng katawan ang mga nerve na nagdudulot ng paralysis at kamatayan.

Karamihan sa mga sintomas ay lumilitaw ilang araw o linggo matapos ang viral o bacterial infection.

Posibleng dahilan ang maruming inuming tubig sa lugar.