TUGUEGARAO CITY – Kasalukuyang nakahome-quarantine ang isang miembro ng Philippine National police (PNP)-Cagayan na ikinokonsiderang Person Under investigation (PUI) ng Covid-19.
Ayon kay P/col Ariel Quilang , director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), nakaranas ng lagnat ang nasabing pulis na nakadestino sa PMFC o Provincial Mobile Force Company na nagka-conduct ng checkpoint sa lalawigan.
Bukod dito, naka- quarantine na rin ang isang pulis na mula sa isang police station sa probinsiya na ikinokonsidera namang PUM o person under monitoring ng Covid-19 matapos makaranas ng sintomas na kapareho ng covid-19.
Sa ngayon , sinabi ni Quilang na nasa maayos namang kalagayan ang dalawang pulis.
Samantala, nagbaba ng derektiba ang CPPO sa bawat municipal police station na magsagawa ng simulation exercises kauganay sa covid-19.
Ito ay bilang paghahanda ng kapulisan kung sakali na may tatakas na PUI o Pum ng virus habang nakaquarantine sa Cagayan.
Sa kabila nito, aminado si Quilang na kulang ang kapulisan sa PPE o personal Protective equipment kung kaya’t nanawagan siya ng tulong mula sa mga Local government unit (LGUs).
Umabot na rin aniya 240 na katao ang nahuli ng cagayan pnp na lumabag sa curfew hours at Republic Act 11332 mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.