Sampung biktima ng human trafficking, kabilang na ang 9 na menor de edad ang narescue ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Sual, Pangasinan.
Naaresto naman ng joint team ang dalawang Chinese nationals, na sina Zhonggang Qui at Wenwen Qui, gayundin ang 3 Filipinos na sina Angielyn Ramirez, Marichelle Ambrosio, at Jay Amor.
Ang mga suspek ay sinampahan ng mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, An Act Providing For The Elimination Of The Worst Forms Of Child Labor, The Fisheries Code of the Philippines at Economic Sabotage.
Ayon sa NBI, natuklasan nila na ang na-rescue ay pinagagawa ng mga delikadong trabaho sa laot kabilang na ang pagpapakain ng mga isda.
Tinatakot din anila ito ng kanilang among Tsino kapag hindi sumunod sa pinagagawang delikadong trabaho.
Dalawa rin sa menor de edad na nailigtas ay nagdadalantao matapos mabuntis ng kanilang live in partners na mahigit 20 taong gulang.
Nabatid na ilang sa mga biktima ay nirecruit mula sa Northern Samar.