Naval Forces NL conduct search and rescue operation for 7 missing fishermen in Pangasinan. Photo courtesy of Naval Forces Northern Luzon

Tuguegarao City- Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang 10 mangingisdang nawawala matapos pumalaot sa mga karagatang sakop ng Northern Luzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Marine Captain Jojit Ofiaza, tagapagsalita ng Naval Forces Northen Luzon (NFNL), dalawang mangingisda mula sa Burgos, Ilocos Norte ang nawawala mula pa noong Pebrero 25 ngayong taon.

Aniya, kalakasan umano ng hangin na bunsod ng amihan nang pumalaot ang mga ito sa dagat sakay ang kanilang kahoy na bangka.

Dalawang oras lang ang inaasahang pamamalaot ng mga ito sa dagat ngunit hindi na nakauwi hanggang sa ngayon.

Samantala, kasalukuyan ding pinaghahanap ang 7 mangingisda mula Pangasinan at maging ang isa pa na mula naman sa Zambales na dalawang buwan nang missing.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay patuloy pa ang kanilang tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa ibang otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nawawalang mangingisda.

Nagpapaatuloy din aniya ang ginagawang retrieval operation ng mga otoridad upang mahanap ang katawan ng mga nawawalang mangingisda.

VC Ofiaza Mar 4

Nakatakda ring magsagawa ng gift giving at tree and mangrove planting ang Naval Forces Northern Luzon sa bahagi ng San vicente, Sta. Ana at Palaui Island sa Marso 5-6 ngayog taon.

Layunin aniya ng ganitong aktibidad na tumulong sa mga residente at maging sa pangangalaga ng kalikasan sa naturang lugar.