TUGUEGARAO CITY-Tumanggap ng 100 bagong farm machineries ang mga magsasaka sa probinsya Cagayan na mula sa Department Of Agriculture (DA)-region 2 at DA-PhilMech o Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization.
Ang ibinahaging bagong makinarya ay sa ilalim ng Rice competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Rice Tarrification law (RTL) kung saan 63 na Farmer’s Cooperatives and Associations ang makikinabang.
Ginanap ang turn-over sa mga makinarya sa Southern Cagayan Research Center sa bayan ng Iguig.
Layon nitong mapataas ang produksiyon at mapagaan ang pagsasaka ng mga rice farmers kung saan patunay umano ito na naramdaman na ang epekto ng implementasyon ng RTL.
Bukod dito, asahan din umano ang iba pang tulong tulad ng mga binhi, abono at marami pang iba para sa mga magsasaka.
Una rito, nagbahagi na rin ng makinarya ang DA at Philmech sa iba pang probinsya ng rehiyon dos.