Inilagay ng Commission on Elections (Comelec) ang kabuuang 38 election areas of concern sa ilalim ng “red” category para sa 2025 national at local elections (NLE).
Sa inilabas na initial list ng poll body, idineklara na election hot spots para sa nalalapait na midterm elections ang 1,239 na lugar sa bansa.
Kabuuang 177 areas naman ang isinailalim sa orange category kabilang ang mga bayan ng Alcala, Baggao, Gattaran, Buguey, Gonzaga, Lasam, Peñablanca, Rizal, Santa Teresita, Fair, Santo Niño, at Tuao sa Cagayan.
Napabilang naman ang Tuguegarao City, Aparri, Piat, at Enrile sa 188 na nasa yello category, habang ang nalalabing mga lugar ay nasa green category.
Ang mga lugar na nasa green category ay walang security concerns o tahimik o payapa ang pagsasagawa ng halalan.
Sa yellow category areas ay may mga naiulat na suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, na walang partisipasyon ng domestic terror groups.
Ang mga lugar ay dating idineklara na nasa ilalim ng Comelec control at may ulat ng posibleng presensiya ng armadong grupo, at mahigpit na political rivalries.
Sa orange areas naman ay kombinasyon ng dalawa o mas marami pang factors sa ilalim ng yellow category, may seryosong banta mula sa armadong grupo, kabilang ang communist terror groups CTGs).
Samantala, sa red areas ay saklaw ang parameters sa yellow at may seryosong banta mula sa CTGs o iba pang grupo.
May nakatalaga din na security forces na magbabantay at magmo-monitor sa mga nasabing lugar dahil sa posibilidad ng karahasan at matinding political rivalries ng mga lokal na kandidato.