Huli ang 11 katao dahil sa pagsusugal sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan sa Cagayan.
Nahuli sa aktong pagsusugal ng “peque” ang apat na indibidual na kinabibilangan ng isang babae sa Barangay San Roque, Enrile.
Nakuha sa sugalan ang 24 na piraso ng peque tiles at P930 na bet money.
Pitong indibidual na kinabibilangan ng anim na babae at isang lalaki ang hinuli sa Barangay Centro 3, Lasam habang nagsusugal ng “41” gamit ang baraha sa ilalim ng puno ng mangga.
Nakumpiska sa operasyon ang isang set ng baraha at ang bet money na P489.
-- ADVERTISEMENT --
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.