Labing-isang katao ang dinakip ng pulisya sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operation sa lalawigan ng Cagayan.

Sa isinagawang operasyon ng PNP Solana at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nahuli ang 7 indibidwal habang nakatakas ang dalawang iba pa, na pawang mga nasa tamang edad matapos maaktuhang naglalaro ng majhong sa Brgy. Natapian West.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang 284 na piraso ng majhong tiles, apat na piraso ng dice at ang bet money na nagkakahalaga ng P1,840.

Sa bayan naman ng Aparri, apat na kababaihan na pawang nasa tamang edad ang hinuli dahil sa paglalaro ng tong-its sa Brgy. Punta.

Nasamsam naman sa mga ito ang mga baraha at P505 na bet money.

-- ADVERTISEMENT --

Kasong paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling law ang kakaharapin ng mga naturang indibidwal.