
Nagbabala ang Iranian Revolutionary Guard Corps (IRGC) na maglulunsad sila ng mga pag-atake na pagsisihan ng Israel kung hindi nito agad ititigil ang strikes sa Lebanon.
Ayon sa Israel at Estados Unidos, hindi kasama sa dalawang linggong ceasefire deal sa Iran ang Lebanon.
Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, naglunsad sila ng tinawag nilang “the greatest blow” sa Hezbollah buhat nang simula ng kanilang ground operation sa Lebanon.
Kaugnay nito, sinabi ni White House Press Secretary Karoline Leavitt na pangungunahan ni Vice President JD Vance ang negotiating team ng US sa peactalks sa Pakistan sa Sabado.
Samantala, nagbabala ang Iran na tartargetin at wawasakin ang mga barko na dadaan sa Strait of Hormuz na walang pahintulot, at iginiit na nananatiling sarado ang nasabing ruta.
Subalit sinabi ni Leavitt na nais ni Trump na muling mabuksan ang strait na walang anomang limitasyon.
Buhat nang pag-iral ng cdeasefire may mga ulat ng pag-atake sa UAE, Kuwait, at sa isang oiol refinery sa southern Iran.










