Patay ang 11 katao matapos na salpukin ng Florida bus ang isang pick-up sa bayan ng Abulug, Cagayan kaninang 1:00 a.m.

Sinabi ni PMAJ Antonio Palattao, hepe ng PNP Abulug na batay sa kanilang imbestigasyon, palabas mula sa inner road ng junction Ayaga sa lalawigan ng Apayao papunta sa national highway ang pick-up nang banggain ito ng bus.

Sa lakas ng impact ng pagbangga ay tumalapon mula sa pick-up ang mga pasahero na agad na ikinasawi ng 11 na sakay nito.

Ayon kay Palattao, tanging nakaligtas sa mga sakay ng pick-up ang driver at dalawang dalagita na ngayon ay nasa ospital sa Abulug.

Nasugatan din sa insidente ang driver at kunduktor ng bus.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Palattao na galing sa lamay sa Sta. Marcela, Apayao ang mga sakay ng pick-up at pauwi na sana sila sa bayan ng Allacapan.