
Pumanaw na si Teofilo Gamutan Sr., ang pinakamatandang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Davao City, sa edad na 102.
Ayon sa kanyang pamilya, namatay si Gamutan, na kilala bilang Lolo Pilo, noong Biyernes Santo, Abril 3, 2026.
Inilarawan siya ng pamilya bilang isang taong may pananampalataya, dangal, at kababaang-loob, at naging mapagmahal na ama at mabuting kapitbahay.
Kilala rin si Lolo Pilo sa lungsod dahil sa kanyang regular na pagdalo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan tuwing Abril 9 sa kabila ng kanyang edad.
Humihiling naman ng dasal ang kanyang pamilya para sa kanyang walang hanggang kapayapaan.
-- ADVERTISEMENT --










