Nasa 111 na pasyente ang tinulungan ng Philippine Red Cross sa pagsisimula ng Traslacion, ang prusisyon ng imahe ni Jesus Nazarene sa Quirino Grandstand sa Manila.

Ayon sa PRC sa nasabing bilang ng mga pasyente, anim ang dinala sa ospital dahil sa pagduduwal at pananakit ng dibdib.

Tinulungan din ng PRC ang minor health concerns ng 66 na pasyente kabilang ang abrasion, puncture, pananakit ng leeg, at iba pa.

May dalawa naman na nagreklamo ng pagkahilo, pagduduwal, at panghihina.

Ayon sa Quiapo church, nagsimula ang prusisyon kaninang 4:41 a.m.

-- ADVERTISEMENT --