Nagbigay ang pamahalaan ng agarang tulong sa 112 Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga dependent na umuwi mula Dubai, United Arab Emirates.

Sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW), sinalubong at agad na inasikaso ang mga Pilipinong sakay ng Emirates Flight EK334 pagdating sa paliparan.

Mula roon, dinala sila sa isang holding area sa pasilidad ng DTI-PTTC kung saan tinulungan sa kanilang mga bagahe at sumailalim sa paunang proseso.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga umuwing OFW ng financial assistance at libreng pagkain habang nasa lugar.

Naglaan din ang gobyerno ng pansamantalang matutuluyan at transport assistance para masigurong makauwi sila nang maayos sa kanilang mga pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Inasikaso rin ang mga connecting flights para sa mga uuwi sa Visayas at Mindanao, habang land travel naman ang inihanda para sa mga papunta sa Metro Manila, CALABARZON, at Central Luzon.