
Nakahandang magdeploy ang National Capital Region Police Office ng 8,000 na kapulisan sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila para sa darating na 163rd anniversary ng Bonifacio Day sa Lunes.
Naghahanda rin ang hanay ng kapulisan para sa mga posibleng mga protesta at demonstrasyon na may kaugnayan sa ICC trial ni dating pangulong Duterte.
Magsisimulang isailalim sa full alert status ang liderato pagsapit ng 12:01 sa Lunes, November 30 upang paghandaan ang mga nakatakdang aktibidad ng mga progresibong grupo.
Kabilang sa mga itatalaga ang augmentation forces mula sa national police headquartes, Police Regional Office 3 at Police Regional Office 4A.
Itutuon ang pagbabantay ng liderato ng kapulisan sa mga freedom parks sa tulad ng Liwasang Bonifacio sa Maynila, Bonifacio Monument Circle sa Caloocan, at sa Pinaglabanan Shrine in San Juan at ilan pang mga lugar na ipinangalan sa mga kilalang bayani.
Ayon naman kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo sila ay magpapatupad ng standard operational procedures, irerespeto ang karapatang pantao, at ipapatupad rin ang maximum tolerance sa gitna ng mga nakatakdang demonstrasyon.










