Sinampahan ng kasong administratibo ang 12 aktibong pulis, may kaugnayan sa pagdukot sa mga sabungero.

Ayon sa National Police Commission, kabilang sa grupo ang tatlong commissioned officers at siyam na non-commissioned officers.

Sinabi ni Edman Pares, director ng Inspection, Monitoring and Investigation Service ng Napolcom, kabilang sa mga kaso ay grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Ang nasabing hakbang ng Napolcom ay dalawang linggo matapos na maghain ng complaint-affidavit si Julie “Dondon” Patidongan o si Alyas Totoy sa komisyon laban sa 12 actibong pulis at anim na tinanggal sa serbisyo.

Matatandaan na isiniwalat ni Patidongan na sangkot umano ang mga nasabing pulis sa pagdukot at pagpatay sa missing sabungeros.

-- ADVERTISEMENT --

Una ring sinabi ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III na 15 pulis, kabilang ang 12 active-duty personnel ang isinailalim sa restrictive custody.