
Patay ang 12 katao at 309 ang sugatan sa ikatlong pag-atake ngayong linggo sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia, noong Sabado, Oktubre 10.
Inako ng grupong Houthi, na suportado ng Iran, ang responsibilidad sa pag-atake na nagdulot ng pansamantalang pagsuspinde sa operasyon ng paliparan at paglihis ng lahat ng flight.
Kabilang sa mga nasawi ang apat na Saudi national, dalawang Bangladeshi, at tig-isang mamamayan mula sa Estados Unidos, Jordan, Palestine, Syria, Sudan at Egypt.
Ayon sa mga awtoridad, ilang sugatan ang nasa kritikal na kondisyon. Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na pinag-aaralan ng Washington kung makikilahok ito sa mga pag-atake ng Saudi Arabia laban sa mga Houthi.










