
Nakatanggap ng maraming pagkondena at pagbatikos ang mag-asawa sa Japan dahil sa pagsuporta sa kanilang 13 anyos na anak na lalaki na tumigil sa pag-aaral para makapag-focus sa paglalaro ng video games bilang professional
Nagsimulang maglaro si Tarou ng video games sa edad na tatlo, subalit makalipas ang dalawang taon nang madiskubre niya ang Fortnite, at nalaman niya na ito ang kanyang passion.
Nalampasan niya ang skill level ng kanyang ama, at nang nasa second grade siya, natatalo niya ang professional players.
Dahil sa kanyang talento, lumikha ang kanyang mga magulang ng kanyang sariling YouTube channel noong 2020 na ngayon ay may mahigit 230,000 subscribers.
Sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Tarou ang kanyang desisyon na tumigil na sa pag-aaral para maka-focus sa kanyang esports career at matupad ang kanyang pangarap na makapasok sa Fortnite World Cup.
Sinuportahan naman ng mga magulang ang desisyon ng kanilang anak.
Sinabi ng mga magulang na alam nila ang mga panganib sa desisyon ng kanilang anak na tumigil sa pag-aaral, subalit naniniwala sila na ito ang pinakamabuting desisyon para sa abilidad at pangarap ng kanilang anak sa ngayon.
Lumikha ito ng mainit na debate sa social media sa Japan.
Habang naniniwala ang ilan na hindi lamang ang formal schooling ang landas sa mga kabataan ngayon, lalo na sa umuusbong na professional Esports, marami ang nagsabi na maraming mahahalagang teenage experience ang hindi niya mararanasan.










