Nasawi ang 13 katao, karamihan ay mga bata, matapos tumaob ang isang bangka sa estado ng Bihar sa silangang bahagi ng India nitong Martes.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng bangka ang mga pasaherong patungo sana sa isang handaan sa kalapit na nayon nang mangyari ang insidente sa distrito ng Vaishali.

Anim na katao naman ang nailigtas mula sa insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang sanhi ng pagtaob ng bangka.