Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region II ang mga empleyado sa pribadong sektor na idulog sa kanila ang mga reklamo laban sa mga employer na hindi pa nagbibigay ng 13th month pay.

Ayon kay Senior Labor and Employment Officer Eva Hazel Accad, kinakailangang maibigay ng employer ang mandatory na 13th month pay sa kanilang empleyado bago o mismong araw ng Disyembre 24, 2025, alinsunod sa Presidential Decree 851.

Sinabi ni Accad na karapatan ng mga mangagagawa na makatanggap ng 13th month pay bastat sila ay nagtrabaho nang hindi bababa sa isang buwan sa loob ng taon.

Pinaalalahanan rin ang mga employer na maaaring maharap sa legal na aksyon ang sinumang lalabag sa itinatakdang batas.