ctto

TUGUEGARAO CITY-Huli ang 14 na katao kabilang ang isang dating barangay kagawad sa aktong pagtutupada sa bayan ng Sta teresita.

Ayon kay P/Lt. Marilou Pichay, chief of police ng PNP-Sta Teresita, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon ukol sa pagtutupada sa lugar na agad namang nirespondehan ng kapulisan.

Naaktuhan ng mga pulis ang 14 na katao na pawang residente ng nasabing bayan, na nagtutupada sa sitio mabannag Bgry. Luga na sanhi ng kanilang pagkakahuli.

Sinabi ni Pichay na batay sa kanilang imbestigasyon, isinasagawa sa iba’t-ibang lugar ang pagtutupada sa pangunguna ng dating barangay kagawad ng Brgy. Villa na si Joseph Tacsiat.

Nakuha sa lugar ang 2 panabong na manok , sampung tari at siyam na libong piso.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nahaharap ang 14 na katao sa illegal gambling at paglabag sa R.A 11332.

Tinig ni P/Lt. Marilou Pichay