TUGUEGARAO CITY – 14 katao, kabilang ang isang menor de edad ang nasugatan matapos araruhin ng kotse ang isang lamay ng patay sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Staff/Sgt Zaldy Chumacog ng PNP Tabuk na nakaranas umano ng pagkahilo ang driver ng sasakyan na si Aurora Amilig, 47-anyos habang papauwi sa kanyang bahay sa Purok 5 Bulanao.
Dumiretso ang sasakyan sa grupo ng mga tao na nasa burol ng patay na nasa gilid ng kalsada.
Kaagad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima na pawang mga senior citizen at karamihan ay residente sa ibat-ibang lugar sa Kalinga.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries.
-- ADVERTISEMENT --