
Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na muntik nang maaresto ang negosyanteng si Atong Ang matapos itong mamataan umano sa dito saPilipinas.
Ayon sa Kalihim, nakatanggap ang Department of the Interior and Local Government ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Ang. Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang isagawa ang operasyon.
Gayunman, pagdating ng mga operatiba sa nasabing lugar, wala na roon si Ang at nakaalis na umano bago pa siya maabutan.










