
Patuloy ang search and rescue operation sa Java Sea sa Indonesia para sa 140 katao na sakay ng passenger ship na nawalan ng kontak habang bumibiyahe sa masamang panahon.
Ayon sa Indonesian search and rescue agency, 243 katao ang sakay ng Virgo Transport 8 nang umalis ito noong Sabado mula Surabaya patungong Banjarmasin.
Nailikas na ang 103 pasahero gamit ang iba’t ibang barko, ngunit isa sa mga ito ang namatay.
Samantala, nagpadala ang mga awtoridad ng mga rescue team, barko at helicopter sa huling alam na lokasyon ng passenger ship upang hanapin ang natitirang 140 katao.
Karaniwan sa Indonesia ang paggamit ng mga ferry bilang pangunahing transportasyon dahil mas mura at mas madaling gamitin ang sea routes kumpara sa pagbiyahe sa himpapawid.
-- ADVERTISEMENT --






