Inaasahang 15-20 bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa ikalawang bahagi ng taong 2025.
Ayon sa Philippine Athmosperic, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing bilang ay saklaw ng taunang average na 19-20 tropical cyclones na makakaapekto sa bansa kada taon.
Nasa 8-9 bagyo naman ang tipikal na nagla-landfall o tumatama sa bansa.
Sinabi ng weather bureau na mas mabuti na ang maghanda ng maaga sa mga papasok na bagyo sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ay karaniwan ng dinadalaw ng average na 19-20 bagyo kada taon dahilan nasa Pacific Ring of Fire ito na sinasalanta ng mga kalamidad na bukod sa bagyo ay lindol.
-- ADVERTISEMENT --