
Dahil nalalapit na ang pagtatapos ng operasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Marso 31, hiniling nito sa Bureau of Customs (BOC) na agad nang kunin ang mga mamahaling sasakyang umano’y nakatali sa dating mambabatas na si Zaldy Co.
Ayon kay ICI Special Adviser at retiradong heneral ng pulisya na si Rodolfo Azurin, kabilang sa dapat mabawi ng BOC ang anim na luxury vehicles – isang Rolls-Royce, tatlong Cadillac, at dalawang Lexus na kasalukuyang naka-park sa compound ng ICI.
Kaugnay nito, inatasan din ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) na kunin ang tatlo pang mamahaling sasakyan na nasamsam sa isang condominium sa Taguig, na sinasabing konektado rin sa mga umano’y sasakyan ni Co.










