Umaabot na sa 15 katao ang namatay sa wildfires sa southeastern region ng South Korea.

Nagsimula na kumalat ang wildfires sa nasabing rehion ng South Korean noong Martes na nagbunsod para lumikas ang mga residente, at inilipat ang libu-libong bilanggo sa isang kulungan.

Nangako si acting president Han Duck-soo na magpadala ng mga firefighting helicopters at ground personnel para labanan ang mga apoy na lalong pinapalakas at pinapalaki ng malalakas na hangin at dry weather.

Ayion sa Yonhap News Agency, ang ilang casualties ay namatay matapos ang pagtatangka nilang lumayo mula sa apoy, subalit bumaligtad ang kanilang mga sasakyan.

Marami na ring mga sinaunang mga templo at mga bahay ang nasira.

-- ADVERTISEMENT --

Itinuring na rin ng pamahalaan ng South Korea ang mga apektadong lugar na special disaster zone.