
Patay ang 153 katao matapos ang drone strike sa Amiet Market sa Abyei, isang teritoryong pinagtatalunan ng Sudan at South Sudan.
Ayon kay Yohanna Akol Ngor, caretaker information administrator ng Abyei, militar ng Sudan ang nasa likod ng pag-atake sa naturang palengke.
Target umano ng drone strike ang mga tanker ng langis na nagmula sa South Sudan at patungo sana sa paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF).
Karamihan sa mga nasawi ay umano’y miyembro ng RSF at mga sangkot sa pagpupuslit ng langis.
Samantala, iginiit ng Foreign Ministry ng South Sudan na militar ng Sudan ang nasa likod ng mga pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bansa na ikinasawi ng maraming sibilyan.
-- ADVERTISEMENT --






