
Sugatan ang isang 16-anyos na binatilyo matapos masaksak sa isang parke sa Barangay Greater Lagro, Fairview, Quezon City noong Enero 17, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay inatake ng isang grupo ng mga menor de edad na itinuturing na children in conflict with the law.
Positibong tinukoy ng isang menor de edad na saksi ang pangunahing suspek, at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng QCPD upang makilala at matukoy ang iba pang sangkot sa insidente.
Kasalukuyang nasa maayos na kondisyon ang biktima at patuloy na ginagamot sa Tala Hospital sa Caloocan City.
Tiniyak ng QCPD na patuloy silang makikipagtulungan sa komunidad at sa iba’t ibang ahensya upang mapalakas ang proteksyon sa mga bata at mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mga barangay.










