Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Bern, Switzerland na may isang Pilipino ang nadamay sa sunog sa Crans-Montana bar noong Enero 1, 2025

Kinilala ang biktima na si Kean Kaizer Talingdan, 16-anyos, na unang iniulat na nawawala.

Sa kasalukuyan, naka-confine si Kean sa University Hospital of Zurich at nasa stable na kondisyon, ngunit patuloy pa rin siyang mino-monitor ng mga doktor dahil sa pinsalang natamo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Embahada ng Pilipinas at ang gobyernong Italyano sa mga Swiss authorities para sa posibleng paglilipat ni Kean sa Italy, depende sa resulta ng kanyang susunod na medical evaluation.

Ayon sa ulat, umabot sa 40 ang nasawi at 121 ang nasugatan sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog, habang nahihirapan ang mga awtoridad na tukuyin ang pagkakakilanlan ng ilang biktima dahil sa tindi ng pinsalang natamo.