
Inihayag ng House committee on justice na sufficient in form ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Bago ang desisyon na sufficient in form ang dalawang reklamo, nagpasiya ang House justice panel na isantabi ang unang impeachment complaint na inihain laban sa pangalawang pangulo ng Makabayan coalition at allied groups noong Pebrero 2 dahil sa paglabag sa one-year bar rule.
Nakasaad sa reklamo sa unang impeachment complaint ang akusasyon na betrayal of public trust dahil sa pag-uutos ni VP Duterte na maghanda ng accomplishment reports na suportado ng gawa-gawang liquidation reports at falsified documents na isinumite sa Commission on Audit para suportahan ang paggamit ng confidential funds, at dereliction of official duty sa kanyang pagtanggi na kilalanin ang congressional oversight sa panahon ng budget deliberations at sa kapangyarihan na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation.
Ang mga nasabing alegasyon ay nakapaloob sa ikalawa, ikatlo, at pang-apat na reklamo.
Una rito, binawi ng Tindig Pilipinas ang kanilang ikalawang impeachment complaint at nagpasiya na suportahan ang ikatlong impeachment complaint laban kay VP Duterte.









