Umabot sa 170 overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating sa Pilipinas nitong Sabado ng umaga.

Batay sa ulat, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang eroplano ng Kuwait Airways na lulan ang mga repatriated OFWs bandang alas-7 ng umaga.

Sinalubong at tinulungan ang mga OFW ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matiyak na dumaan sila sa tamang proseso at mabigyan ng kinakailangang tulong mula sa pamahalaan.

Nauna nang dumating ang isa pang grupo na may 200 OFW mula Kuwait nitong Martes.

Patuloy ang repatriation efforts ng pamahalaan para sa mga Pilipinong manggagawa na nais umuwi mula sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --