Aabot sa 176 na mga bagong recruit ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU active auxiliary (CAA) ang nagtapos sa kanilang training sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Sumailalim aniya ang mga ito sa 45-araw na basic training course kung saan tinuruan sila sa army skills and competencies.

Ang nasabing recruitment ay inisyatiba ng 77th Infantry batallion para makamit ang army transformation roadmap goal na maging world class ang Philippine army sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga CAA members para maging competent at epektibo ang mga ito na force multiplier ng 5th infantry division.

Nabatid na naging panauhin sa pagtatapos ng mga CAA members si Mayor Ceasar Mondala ng San Agustin, Isabela kung saan nagpasalamat ito dahil nabawasan ang problema sa insurhensiya sa kanilang bayan dahil sa pagkatalaga ng CAFGU doon.

Pangunahing bisita rin sa nasabing okasyon si Major General Pablo Lorenzo, commander ng 5th ID kung saan binigyang diin nito ang tungkulin ng mga CAFGU na kahalintulad sa mga regular na miyembro ng sundalo na mangunguna sa pagpapatupad ng peace and development.

-- ADVERTISEMENT --