CTTO: 17th IB, PA

Ginunita ng kasundaluhan ang Undas sa pamamagitan ng pagsusuot ng nakakatakot na maskara bilang pakikiramay sa mga pinaslang ng New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Lt Erwin Lozarita ng 17th Infantry Batallion, Philippine Army na ang isinagawang aktibidad ay pampublikong sementeryo sa bayan ng Alcala ay nagsasalarawan sa tunay na mukha ng NPA.

Bitbit din ng mga ito ang mga placards ng panawagan sa mga rebeldeng grupo na itigil na ang paghahasik ng karahasan at recruitment sa mga kabataan.

Bukod dito, nagtirik din ng kandila ang mga miyembro ng 17th IB sa labas ng kanilang headquarters sa Masin, Alcala at nag-alay ng dasal para sa kaluluwa ng mga pinatay ng NPA.