Binigyang-diin ng militar ng Iran na handa ito na tuluyang isara ang Strait of Hormuz at magsagawa ng pag-atake sa regional infrastructure kung ipatutupad ni US President Donald Trump ang kanyang bansa na bobombahin ang kanilang power planta kung hindi bubuksan ang strait ngayong gabi ng Lunes.

Idinagdag pa ng militar ng Iran na kung pupuntiryahin ang kanilang energy infrastructure, hindi na muling bubuksan ang strait hangga’t hindi maaayos ang power plants na masisira dahil sa US strikes.

Nagbabala na ito na lahat ng energy at communications infrastructure ng Israel ay magiging target ng kanilang pag-atake, maging ang mga kaparehong mga kumpanya sa rehion na may shareholders ng Estados Unidos.

Samantala, mariing kinondena ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Tehran matapos ang missile attack sa lungsod ng Arad, kung saan 84 katao ang nasugatan.

Binatikos naman ni Lebanon President Joseph Aoun ang pag-atake ng Israel sa kanilang infrastructure sa Southern Lebanon kahapon, na pinaniniwalaan na panimula ng ground invasion, at malinaw na paglabag sa international law.

-- ADVERTISEMENT --