Muling nakiisa ang mga sundalo ng 17th Infantry Batallion sa taunang Brigada Eskwela na nagsimula, kahapon at magtatagal hanggang Mayo-25.

Ayon kay Lt. Allen Paul Tubohan ng 17th IB na isang squad ng mga sundalo ang tumutulong ngayon sa paglilinis at pagkukumpuni sa walong paaralan sa Cagayan.

Dagdag pa ni Tubohan na mayroon pa silang mga natatanggap na request para sa tulong ng kasuandaluhan sa pagsasaayos ng mga paaralan bilang paghahanda sa pasukan.

Bukod sa pagtulong sa pagkukumpuni ng mga paaralan, handa rin ang mga sundalo na magbigay ng seguridad sa mga nagsasagawa nag brigada eskwela sa mga liblib na lugar.