
Umaabot na sa 19 katao ang namatay dahil sa wildfires sa Chile, kasabay ng isinagawang mass evacuations sa mga residente at pag-apula sa mahigit 30 sunog na pinalala ng matinding init at malalakas na hangin.
Sinabi ni Security Minister Luis Cordero na aktibo pa ang pinakamalaking wildfire, at nababahala sila na magbununsod ito ng panibagong mga sunog.
Nasa ilalim ng extreme heat warnings na may mataas na temperatura na inaasahan na aabot sa 37 degrees celcius ang ilang bahagi ng central at southern Chile.
Karamihan sa mga namatay ay sa Penco, isang maliit na coastal city, malapit sa kabisera na Conception.
Ayon sa mga awtoridad, umaabot na sa 325 na kabahayan ang nasira at isinasailalim sa ebalwasyon ang 1,100 na iba pa.
Umaabot na rin sa mahigit 35,000 hectares ang tinupok ng apoy, halos kasinglaki ng estado ng Philadelphia sa Amerika, kung saan ang pinakamalaking sunog ay mahigit 14,000 hectares sa palibot ng coastal city ng Concepcion.
Sinalubong ang Chile ng heat waves sa bagong taon at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.










