Umaabot sa 1 milyong bigong pag-hack sa mga website ng gobyerno at pribadong sektor kada araw ang naitala ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasabay nito, kinumpirma ni DICT Assistant Secretary Renato “Aboy” Paraiso na kinokonsidera ng DICT ang decommissioning ng 2G wireless communication para mapigilan ang talamak na text o short messaging service scams.

Nauna nang inabi ni DICT Undersecretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy said na ang scam hubs ay gumagamit ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI)-catchers.

Ang IMSI-catcher, ayon kay Dy, ay nagagamit lamang sa 2G at hindi kayang pasukin ang 3G.

Aniya, dapat nang seryosohin ng mga mobile service provider ang pag-phase out ng 2G mobile technology.

-- ADVERTISEMENT --