BAYAN NG GONZAGA,CAGAYAN

TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong frustrated murder ang tatlong binatilyo matapos saksakin at bugbugin ang kanilang kapwa binatilyo sa bayan ng Gonzaga.

Ayon kay Police Major Elpidio Zingapan, hepe ng PNP-Gonzaga, pauwi na umano ang dalawang biktima na sina Teddy Gallardo, 15-anyos residente ng Barangay Sta Maria sa nasabing bayan at John Christian De los Santos nang hintuan sila ng tatlong suspek na sina Justine Gatchallian,18-anyos ,Ivan Baclig kapwa residente ng Brgy Progressive at Jeremy Garma residente ng Brgy Paradise habang lulan ng kanilang motorsiklo.

Habang kinakausap umano ni Baclig si Gallardo , hindi umano nagustuhan ng isang suspek na si Gatchallian ang tingin nito.

Dahil dito, bumaba si Gatchallian sa kanyang motorsiklo at biglang sinaksak si Gallardo ng tatlong beses sa dibdib na dahilan nang pagtamo ng sugat ,na sa ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi pa umano nakontento ang tatlong suspek at binugbog din ang kasama ni Gallardo na si De los Santos na dahilan nang pagtamo ng sugat sa katawan.

Agad namang nahuli ang mga suspek matapos ituro ni De los Santos ang mga ito sa kapulisan

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang mga suspek nang mangyari ang insidente.