TUGUEGARAO CITY-Nasa kustodiya na ng kapulisan ang dalawang barangay tanod na naaktuhang nag-iinuman sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Kinilala ang mga ito na sina Romulo Panti ,63-anyos at Randy Gawat, 50-anyos kapwa residente ng Barangay Centro.

Ayon kay Pcpl Richard Bañares ng PNP-Amulung, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kanila na nag-iinuman ang dalawa sa bahay ni Gawat.

Sa pagresponde ng mga pulis, nadatnan ang dalawa na nag-iinuman at ang walong bote ng alak na wala ng laman.

Dahilan ng mga tanod na matagal na nilang stock ang ininom na alak at pangkuha lamang umano nila ng kanilang tulog kaya sila nag-inuman.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa R.A 11332 o Bayanihan to Heal as One Act at ang implementasyon ng liquor ban.